Sunday, June 21, 2009
Lope K. Santos
Ipinanganak si Lope K. Santos sa Pasig, Rizal - bilang Lope C. Santos - sa mag-asawang Ladislao Santos at Victoria Canseco, na kapwa mga katutubo sa Rizal. Ngunit mas inibig na gamitin ni Santos ang titik na K bilang kapalit ng C para sa kaniyang panggitnang pangalan, upang maipakita ang pagiging makabayan. Nakamit niya ang pagkakaroon ng kadalubhasaan sa sining mula sa Colegio Filipino (Kolehiyo Pilipino), matapos na makapag-aral sa Escuela Normal Superior de Maestros (Mataas na Paaralang Normal para sa mga Guro) at sa Escuela de Derecho (Paaralan ng Batas). Naging dalubhasa siya sa larangan ng dupluhan, isang paligsahan ng mga manunula na maihahambing sa larangan ng balagtasan. Noong 1900, nagsimula siyang maglingkod bilang patnugot para sa mga lathalaing nasa wikang Tagalog, katulad ng Muling Pagsilang at Sampaguita. Siya ang tagapagtatag ng babasahing Sampaguita. Sa pamamagitan ni Manuel L. Quezon, naging punong-tagapangasiwa si Santos ng Surian ng Wikang Pambansa. Kabilang sa mga katawagang nagbibigay parangal kay Santos ang pagiging Paham ng Wika, Ama ng Balarilang Pilipino, Haligi ng Panitikang Pilipino, subalit mas kilala rin siya sa karaniwang palayaw na Mang Openg.
Sariling buhay
Napangasawa ni Lope K. Santos si Simeona Salazar noong ika-10 ng Pebrero, 1900, at nagkaroon sila ng limang anak. Nagkaroon siya ng karamdaman sa atay, ngunit hanggang sa huling sandali ng buhay ay hinangad ni Santos na maging Wikang Pambansa ang Wikang Tagalog.
Sa larangan ng pulitika
Matapos maging gobernador ng lalawigan ng Rizal mula 1910 hanggang 1913, naging gobernador naman si Santos ng Nueva Vizcaya mula 1918 hanggang 1920. Naglingkod din siya bilang senador para sa ika-labindalawang distrito ng bayan.
Saturday, June 20, 2009
Friday, June 19, 2009
Kahalagahan ng wika
2.Ang wika ay sadyang napakahalaga. Ito ang nagbubuklod sa bawat tao hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa mga ibang bansa rin.
3.Sa pamamagitan ng wika kaya nagkakaunawaan at nagkakaroon ng madaling komunikasyon ang bawat tao kundi pati na rin sa mga karatig bansa nito.
4.
- Ang wika ay kaluluwa ng isang bansa at salamin ng lipunan
- Sagisag ng pambansang pagkakakilanlan
- Ang wikang pambansa ay siyang susi sa pagkakabuklod-buklod ng damdamin at diwa ng mga mamamayan
- Sa pamamagitan ng mga salita nagkakaunawaan ang mga tao
5.Nakakapagkomunikasyon sa iba at nasasanay tayo sa gramatika
sa sarili
sa kapwa
sa lipunan
katangian ng wika
1. Ang wika ay arbitraryo
2. Ang wika ay tunog
3. Ang wika ay kabuuan ng mga sagisag
4. Ang wika ay kabuuan ng mga sagisag na sinasalita
5.Ang wika ay isang masistemang kabuuan ng mga sagisag na sinasalita
6. Ang wika ay laging nagbabago
7. Ang wika ay buhay o dinamiko
8. Ang wika ay nakasandig sa kultura
9. Walang wikang dalisay o puro
10. Walang wikang superyor.
Limang antas ng wika
1.Pabalbal- ay ginagamit sa lansangan, ang wikang sinasalita ng mga walang pinag-aralan. Ito ang pinakamababang antas ng wika.
2.Kolokyal- ito ang wikang sinsalita ng pangkaraniwang tao ngunit bahagya ng tinatanggap sa lipunan.
3.Lalawiganin- kabilang sa uri o antas na ito ay ang mga salitain o dayalekto ng mga katutubo sa lalawigan o panlalawigang salita.4.Pambansa- ay isang wika na natatanging kinakatawan ang pambansang pagkilanlan ng isang lahi o bansa.
5.Pampanitikan-ay isang uri ng wika ito ang pinakamayaman na uri. Kadalasay ginagamit ang mga salita sa ibang pakahulugan.
Wednesday, June 17, 2009
Fransisco Balagtas
Isinilang si Francisco Balagtas sa Panginay, Bigaa (ngayo’s Balagtas), Bulacan noong Abril 12, 1788. Ang mga magulang niya ay sina Juan Balagtas at Juana de la Cruz. Kilala rin siya sa pangalang Francisco Baltazar o Kikong Balagtas. Ang kanyang asawa ay si Juana Tiambeng taga Orion, Bataan at nagkaroon ng pitong anak.
Bata pa si Kikong Balagtas as mahilig na talaga siya sa kalikasan tulad ng pagmamasid sa mga luntiang kapaligiran, pakikinig sa mga pagaspas ng mga dahon ang awit ng mga ibon. Mahilig din siyang magkumpara and mga bituin sa mga alipato at apoy na nagmumula sa pagpapanday ng kanyang ama, at ang tunog ng sapatos ng mga kabayo na para sa kanya ay inihambing niya sa musika.
Sa murang idad, hindi maikaila kay Kiko ang mga pagmamalupit ng mga Espanyol sa mga kababayan niyang Pilipino. Hindi siya mapakali sa nararamdaman na may hindi magandang nangyayari sa kanyang bayan ngunit di niya ito lubos na maunawaan. Hanggang sa nasubukan niyang umibig sa pamamagitan ni Celia. Ngunit ang pag-iibigang ito ang nagbigay ng gulo sa kanyang buhay. Siya ay ipinakulong ng walang kasalanan at katarungan ng kanyang karibal na Espanyol at may mataas na katuangkulan sa bayan noong panahon ng kastila. At isa itong cacique, doon niya naunawaan ang mga nangyayari at nararamdaman ng kanyang mga kababayan. At dahil dito, isinulat niya ang kanyang tula na “Florante at Laura”. Ito ang kanyang obra maestro, na nagbubulgar sa mga pang-aabuso at pagmamalupit ng mga Espanyol sa mga Pilipino. Ang tulang ito ay naglalarawan kung ano ang tunay na nangyayari sa kanyang bayan, at mga aral sa pang-araw-araw ng buhay sa katarungan, sa pagmamahal, pag galang sa mga nakakatanda, sa sipag at tiyaga sa disiplina at sa kabayanihan. At dahil sa tanyag na tula, pinangalanan siyang “Hari ng Makatang Pilipino.” Si Francisco Balagtas ay namatay noong Pebrero 20, 1862.
Tuesday, June 16, 2009
Tungkulin ng wika
Interaksyonal - nakapagpapanatili, nakapagpapatatag ng relasyong sosyal.
Instrumental - tumutugon sa mga pangangailangan.
Regulatori - kumokontrol, gumagabay sa kilos/asal ng iba.
Personal - nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon.
Imajinativ - nakapagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan.
Heuristik - naghahanap ng mga informasyon/datos.
Informativ - nagbibigay ng informasyon/datos.
Monday, June 15, 2009
Ano ang wika?
Ang Alibata
Ang Baybayin ay ang pinakalumang wika sa Pilipinas. Ang baybayin ay naging alibata.
Ang mga sagisag ay ang mga pantig sa Tagalog. Pinalitan ng mga Kastila ang alibata sa Latin ng alpabeto o letra ng dumating sila.
Mga Alpabeto: Filipino at Ingles
Bagong alpabetong Filipino = 28 letra. Ang tawag sa mga letra ng alphabetong Filipino ay ayon sa bigkas-Ingles ng mga Pilipino maliban sa n (enye) na tawag-Kastila.
A B C D E F G H I J K L M N
ey bi si di i ef dzi eyts ay dzey kay el em en
N NG O P Q R S T U V W X Y Z
enye endzi o p kyu ar es ti yu vi dobolyu eks way zi
Letrang orihinal ng Filipinong abakada = 20 letra. Ang mga ito ay ginagamit sa mga karaniwang salitang tinanggap o naasimila na sa bokabularyo o talasalitaan ng wikang pambansa.
A B K D E G H I L M N NG O
ah ba ka da eh ga ha ih la ma na nang oh
pa ra sa ta uh wa ya